for some na hindi nakaka-alam nung sitwasyon ko, let me just share it to ease my burden
si mama kasi has stage 4 breast cancer and unfortunately na kumalat na rin sa liver, noon pang 2007, dpat kasi for operation siya at that time , kaso postponed dahil sa taas ng blood sugar nya, dhil na rin sa takot nya hindi na siya tumuloy, until now nsa hospital siya, although nakakausap mo syia,para syang bata, kung ano-ano ang sinasabi nya…akala ko stable na siya noong nilipat namin siya sa general hospital kasi ubos na yung sa health insurance, yun pala dhil pala yun sa mga pain reliever…
pag ako ang nagbantay behave si mama , pero pag ung mga kapatid ko , nag tatantrums siya, meron pang point na hindi nya ma-recognized ung sister ko..parati nya akong hinhanap, ang hirap sa dibdib, pag sinsabi nyang pabayaan na lang siya, parati kong sinsabi na wag syang mag-isip ng kung ano-ano ang importante magpagaling cia, mabigat sa loob na umalis pero kailangan dahil ako lang ang inaasahan sa amin.
nandun ako sa stage of hoping , kya kung nabubulabog ko yung iba ng text asking for prayers pasensya na, desperate lang talaga ako to ask for a miracle, I tried to be strong infront of my mom, pero ang hirap, kahapon(august 5 wed) sumama ako kay alvie para magsimba sa baclaran, the last time na nakapunta ako mismo sa simbahan when I was still a small kid 3-4 yrs old yata ako noon, sinama kami ni mama noon…hindi talaga ako pala-simbang tao and kahapon lang ulit na I attended the mass, noong kinanta na yung "Ama namin" yung tipong kailangan mong itaas yung kamay mo, hindi ko na napigilan na pumikit at umiyak, tpos nung nag communion nako , humahagolgol na ko sa likod ni alvie habang nagdarasal.
I can't explain pero everyday para akong sabog, lumulutang, pilit gnagawang parang normal ang lahat, kya kung minsan makita nyo akong tulala at dko kau npansin, paumanhin na lang po
gusto kong magpasalamat sa walang sawa nyong isama nanay ko sa mga dasal nyo, Thank you po!